Addressing the menace of redscare, redbaiting and red herrings
visited *loading* times
Ang internet at blogs bilang larangan ng tunggalian sa pagitan ng rebolusyon at reaksyon
(Sagot kay Teo S. Marasigan)
Isang sanaysay ang inilabas kamakailan sa blog na Kapirasong Kritika. Maraming sinulat ang awtor na si "Teo S. Marasigan" na nagpakilalang "progresibo" kung saan inatake niya ang mga progresibong may "pagkukulang" daw sa "paglantad" sa reaksyunaryong katangian ng internet, at nangahas na sabihing:
"Hindi ako sang-ayon na palaganapin ng mga progresibo ang pagba-blog. Maglako tayo ng progresibong mensahe, hindi ng midyum lamang na bagamat tila walang pulitika ay dominado sa aktuwal ng mga kalaban ng pulitika ng pagbabago."
Ang taliba ng rebolusyonaryong kilusan, ang Partido Komunista ng Pilipinas, ay may tinatawag na Philippine Revolution Web Central. Ito ay nagsisilbing daluyan ng propaganda ng rebolusyonaryong kilusan pangunahin sa mamamayang Pilipinong may koneksyon sa internet, sa mas midya at sa sinumang interesadong malaman ang mga nagaganap sa lumalargang rebolusyon.
Bago ito, ang mga negosyador ng Pambansa Demokratikong Prente ng Pilipinas ay nagmamaksimisa na ng email para magpakalat ng mga pahayag nito sa iba't ibang mga usapin, bagay na sinundan din naman ng iba't ibang mga rebolusyonaryong samahan. Nitong mga huling taon, ang mga pahayag ni Ka Roger ay napapakalat na rin sa email.
Kapuri-puri ang mga hakbang na ito ng mga lihim na rebolusyonaryong organisasyon, sa pangunguna ng Partido, na samantalahin ang bilis ng internet sa pagpapatagos ng subersibong mensahe, ng pagpapaabot ng mapagpalayang pananaw, ng pagbangga sa reaksyunaryong mga ideya.
Isa ring larangang pinaglilingkod ng presensya ng PKP sa internet ang relasyong internasyunal ng rebolusyong Pilipino.
Di man sinasabi ng diretsahan -- walang pormal na deklarasyon na baka naman siyang hinahanap ni Marasigan -- pero ipinakita ng Partido at kilusan ang kapasyahan nitong huwag ibigay ng buo sa reaksyon ang internet, na gamitin ito sa maksimum na paraang ligtas para sa rebolusyonaryong adhikain. (Pwede rin naman siyang mag-email din sa information bureau ng PKP at PDP para sa kanyang mga katanungan pero di niya ginawa.)
Isang pundamental na aralin sa Marxismo na ang mga bagay ay umuusbong at nabubulok din. Dominante ngayon sa internet ang reaksyon dahil likha din nga nila ito. Sa katunayan, kung inaral nga talaga ni Marasigan ang kasaysayan ng internet, mababanggit niya ang mas kasuklam suklam na reyalidad na ang gulugod o ubod ng internet ay ang sinaunang computer network ng militar ng Estados Unidos, at lumawak lamang nang makita ng industriya, akademiya at mga gobyerno ang mas malaking silbi nito sa pag-unlad.
Ang direksyon ng internet ay patungo sa progreso, alinsunod sa linyang anti-imperyalista, sosyalista at komunista. Walang ibang patutunguhan ang kapitalismo, kahit sa internet, kundi ang paglikha ng sariling kaaway na tatalo rito. Habang inilalarga ng kapitalismo ang paglawak ng internet, inaarmasan nito ang mga mamamayan ng isang bagong medium at bagong dagdag sa arsenal sa digmaang pang-ideolohiya.
Isang malaking pagkakamali kung gayon na manawagan kung gayon na bitiwan ng mga rebolusyonaryo at progresibo ang internet.
May iba pang Marxistang aral ang nilabag o kinalimutan ni Marasigan sa kanyang sulatin.
Wala pa namang mayor na pagbabago sa pagturing ng Partido sa mga uri sa ating bayan. Nariyan ang mga uring anakpawis -- manggagawa at magsasawa -- na nasa unahan at masel ng rebolusyon. Nariyan pa rin, at hindi pa rin inaalis, ang progresibong uring petiburges. Kasunod ang patriyotikong uring pambansang burgesya. Alinsunod sa linyang makauri, pinapanawagan sa mga kasama na samantalahin ang hidwaan sa pagitan ng mga naghaharing uri para tumabo ng ganansya at reporma para sa mamamayan.
Sa panulat ni Marasigan, nabago ang linyang makauri at nakalimutan ang Requirements of the Revolutionary United Front. (Buti na lang at may presensya ang PKP sa internet kaya madaling makukuha at mababasa ang dokumentong ito.)
Sa ubod: Tungkulin ng mga progresibo at rebolusyonaryo na hamigin at kabigin ang petiburges sa landas ng rebolusyon. Tungkulin natin na akitin sila sa lahat ng posibleng paraan palayo sa reaksyon. Hindi dapat sila hayaang kainin ng buo ng reaksyon dahil ikakatalo ito ng rebolusyon.
Ayon pa kay Marasigan, dapat daw maging kritikal ang mga progresibo at rebolusyonaryo. Pero paano nga ba ang dapat na postura o paninindigang kritikal? Nais ba niyang magdeklara ng pormal na digma ang PKP sa internet? Paanong di-kritikal ang mga kasamang nasa internet? Ipapanawagan ba ng kilusan dapat na wasakin ang internet? Kailangan bang ipamukha sa mga reaksyunaryo na sila ay reaksyunaryo? Kung paano dapat maging kritikal -- kung paano sa aktwal ito dapat maganap -- ay di tinuran ni Marasigan.
Tama si Marasigan sa pagsasabing dominado ng reaksyon ang internet. Pero hanggang doon lang.
Mali at walang sapat na batayan ang pagsasabing may kakulangan sa kritikal na pananaw hinggil dito. May mga masang organisasyong nagsusulong ng progresibong pananaw hinggil sa internet at teknolohiya. Naghuhumiyaw ang kanilang kritika sa paggamit ng internet sa pagkalat ng pananaw na kolonyal, komersyal at mapanupil na hangarin at patakaran. Higit pa rito, sangkot ang kilusan sa isang dakilang proyekto: ang aktwal na paggamit ng internet sa mapagpalayang layunin, sa pagpopropaganda, sa pagtunggali sa reaksyon -- anong pagkakritikal pa ang hihigit sa praktika?
Sa totoo lang, positibo sa progresibong hanay at rebolusyonaryong kilusan ang paglaganap ng mga blogs. Naibubudyong kasi sa mga petiburges ang rebolusyonaryong mensahe at mga progresibong panawagan. Naihahamig at napapakilos alinsunod sa linya ng rebolusyon. Nababawasan at nalalantad din ang dominasyon ng reaksyon sa sarili nitong larangan. Natuturuan ang mga petiburges, salamat sa mga progresibong blogs, na tumangan ng makauring paninindigan. Nagbubukas ito ng mga pagkakataon para sa kanilang pagpukaw, pag-organisa at pagpapakilos.
Kung tutuusin pa nga, mas malaking espasyo ang bukas sa internet kumpara sa telebisyon at radyo. Sa internet, maaaring makapagtayo ng website o blog sa ilang segundo o minuto lamang. Mas kapaki-pakinabang ito sa kilusan.
Isa pang tinuran ni Marasigan ang isyu ng seguridad. Dapat talagang maging maingat ang lahat ng progresibo at rebolusyonaryo dahil walang awa ang mga puwersa ng reaksyon, lalo na sa ilalim ng mga rehimeng Arroyo at Bush. Di talaga dapat maliitin ang lambat ng paniniktik na maaaring kasinglaki at kasinglawak ng internet.
Pero ibang usapin na ang pagbanggain ang usapin ng seguridad sa kapasyahan ng rebolusyonaryong kilusan na magkasa ng pinakamalawak na hayag na kilusan. Ang hayag na kilusan ay dapat pa ring manatiling hayag. Ang ligal na katangian ng hayag na kilusan ay kapwa delikado at may benepisyo sa mga aktibista. Kailangang mag-ingat, totoo, pero hindi kailangang magtago at ihiwalay ang sarili sa masa.
Tungkulin ng mga kasama na biguin ang paniniktik at panunupil, at huwag magpadaig dito. May mga pagkakataong kailangang mag-lie low kung may grabeng paniniktik at panunupil, lalo na kung nakalabas na ng tuluyan ang buong pangil ng estado. Pero ibang usapin ang bahag ang buntot at di-wastong pagtantya sa internet bilang larangan sa hayag at lihim na kilusan. May mga pagkakaiba sa operasyon ng dalawa, at may pagkakapareho. Parehong may pag-iingat pero ang hayag na kilusan ay dapat manatiling hayag hangga't kaya ng sitwasyon.
Totoo namang may dossier ang kaaway hinggil mga aktibista, pero tinutunggali ito ng kilusan bilang isang pagkakamali, isang malahalimaw na paglabag sa mga kalayaang sibil. Hindi porke may dossier, dapat nang magtago sa kuweba. Ilantad at biguin ang layon ng mga dossier. Itanghal ang ligal at hayag na kilusan ng mamamayan.
Halimbawa: Hindi kasalanan ng mga minartir na mga unyonista o aktibisyang estudyante na sila ay mga hayag na aktibista. Kasalanan ba nila na mag-Friendster o Facebook? Hindi. Hinding-hindi. Katangian nila ang pagkaligal bilang mga hayag na aktibista. Ang dapat puruhan ng sisi sa pagpaslang at panunupil ay ang mga namamaslang at nanunupil. Pinapatay sila, pinapatay di dahil sa tayo ay may presenya sa internet kundi dahil ang dominanteng uri ay may layunin at kapasyahang patayin at supilin tayo. Meron o walang internet, nandiyan ang panunupil eh.
Bilang panghuli, hinihikayat ko ang lahat ng mga progresibo sa mga lunsod at bayan, at sa ibayong dagat, na samantahin ang mga puwang sa internet. Gamitin natin ito para sa progresibo at rebolusyonaryong adhika. Ibudyong natin sa internet ang pananaw para sa pagbabago hanggang ang lahat ng bayan at bansa. Ariin natin ang internet bilang bagong larangan ng pakikihamok, bilang bagong dagdag sa arsenal ng rebolusyon sa pakikipagtunggali sa reaksyunaryong kilusan.
Ang ipinagtataka ko lang, di naman sapilitan ang panawagang ganito. Pero kung seryoso si Marasigan sa kanyang paniniwala laban sa blogs, di ko siya pipigilang busalan ang sarili kung isasara niya ang sariling blog nang hindi naman siya sinusupil ng reaksyon. Nakakalungkot lang kung mangyayari iyon para sa isang petiburges na intelektwal na nagpakilalang progresibo.
Anti-communists fall silent after court orders Joma Sison's release
There has been a loud silence from Malacanang, the National Security Council, major newspapers and right-wing blogs after Jose Maria Sison was freed on orders of a Dutch court which found nothing substantial in the evidence to warrant his continued detention.
This was after an avalanche of claims that they have the goods against Sison and promising that Sison's days as a free man are numbered.
Indeed, reality bites.
The fact is, even the appeal on the court's order for Sison release was denied by an appeals court.
Communist rebels say they're holding PA officer as prisoner of war
05/07 10:02:15 PM
MANILA (AP) - Communist guerrillas said Monday they are holding a recently captured army officer as a prisoner of war and are investigating him for possible human rights violations while fighting insurgents.
A New People's Army command operating in the southern Mindanao region identified the captive as Staff Sgt. Alberto Baludoya, a commander of an army outpost in Cateel town in southern Davao Oriental province.
Baludoya has been involved in counterinsurgency operations for 17 years, they said.
"No harm shall befall POW SSgt. Baludoya as the New People's Army has shown in numerous prisoners of war cases that it upholds its policy of humane and lenient treatment of prisoners of war," rebel spokesman Roel Agustin II said in a statement.
The rebels did not say when or how they captured Baludoya. A special investigating body was set up to determine any "possible war crimes and other serious violations of human rights" that Baludoya may have committed in his long involvement in counterinsurgency operations, the rebels said.
There was no immediate military reaction to the rebel statement.
Inuuto ang Masa
Medyo hirap ang buhay ko ngayon dito sa bundok. Namimiss ko na ang mga masasarap na pagkain sa syudad tulad ng ice cream at chocolate cake. Pero aanhin ko nga naman iyong mga masasarap na pagkain kung patuloy pa rin ang paglalala ng krisis ng lipunan natin. Si manong tsuper hindi pa rin halos mabayaran ang utang sa pamamasada dahil ang mahal na ng gasolina. Minsan makotongan pa ng mga gutom na pulis. Tumataas ang presyo ng mga bilihin pero ang sweldo ni manong manggagawa hindi pa rin umaangat. Grabe ang korupsyon sa gobyerno. Yung buwis na kinikikil sa mamamayan ay hindi naman nila nararamdaman. Tingnan mo nga: ang mahal ng ospital at gamot, ang edukasyon libre nga sa elementary at high school pero yung mga klase naman ay nasa bulok na classroom (kung meron man) at parang mga kuhol na nagkukumpulan naman ang mga estudyante sa sobrang dami. Hirap ang teacher kasi mababa na ang sweldo ay wala pang sapat na training at kagamitan sa pagtuturo. Samantalang si Gloria at iba pang mga burukrata kapitalista ay kinakamkam ang yaman ng bayan at nagpapasasa. Hay buhay sa pinas...
Buti na lang andito ang rebolusyon at patuloy na sumusulong para baguhin itong kalagayan ng lipunan natin. Buhay na buhay pa rin ang aking loob kahit sinasabi ng ilang mga intellectual-kuno na inuuto lang daw namin ang masa. Buti na lang ang masa ay madaling makaunawa sa kahalagahan ng rebolusyon. Ikaw ba naman na sobrang sipag na sa pag-aararo sa bukid ay naghihirap pa rin maniniwala ka pa ba na aasenso ka sa kasalukuyang kalagayan? Syempre nang marinig ni manong yung sinabi ng intellectual ay agad siyang tumawa at sinabing "baka siya madaling utuin, kasi ako hindi."
Nagtawanan na lang kami habang naglalakad papunta sa kubo para magpatuloy sa aming kwentuhan at pag-aaral.
Armando, biograpi ni Armando Teng, sinulat ni Jun Cruz Reyes
Rebyu ng Armando ni Jun Cruz Reyes
Inilathala ng Amado V. Hernandez Resource Center (AVHRC)
2006
Ipinakikilala sa librong Armando si Armando Teng, kadre ng rebolusyonaryong kilusan – ang dating Manding ng kanyang kabataan na naging malapit sa mga kasama at masa bilang Ka Simeon at iba pang alyas o pangalan sa pakikibaka. Hindi man mamalayan o asahan ng awtor, (ang tanyag na kwentista at propesor na si Jun Cruz Reyes) -- maaaring ang librong Armando na ang pinakasignipikante at pinaka-nakakaantig na akda ng awtor sa kasalukuyan.
Muli, pinatutunayan ni Reyes ang kanyang husay sa pagsusulat ng mga paksang taliwas sa kumbensyon. Sa ibang pananalita, mga paksa ito na sinusupil o sadyang hindi isinisiwalat habang laganap pa sa lipunan ang burgis, pyudal, at maka-dayuhang pamantayan ng “kahusayan” (o kapangyarihan.) Nauna niyang tinangka ang ganitong klase ng panitikang saksi sa librong Ilang Taon na ang Problema Mo? (1993), na koleksyon ng mga testimonyal mula sa mga mandirigma ng New People’s Army (NPA), kabilang na si Ka Roger Rosal, na tagapagsalita ng Communist Party of the Philippines (CPP) at mga karaniwang karakter (o masa) na impluwensyado o kumikilos para sa pambansa-demokratikong rebolusyon.
Pambihira ang proyektong sinuong ni Reyes sa paghahabi ng biograpi o talambuhay ng isang pambihirang tao. Pambihira si Armando Teng, ayon na rin kay Reyes, pagkat hindi “sikat” na gaya ng mga personalidad (mayayaman) na paksa ng mga karaniwang kinomisyong biograpi. Pambihira, sapagkat pambihira ang buhay na inalay para sa pagbabago ng lipunan at mundo. Minahal si Armando Teng ng napakaraming tao na kanyang nakasalamuha sa pagkilos, ngunit ayon sa reaksyunaryong gobyerno ang mga tulad niya ay nakapailalim lamang sa isang kinatatakutan at kinasusuklamang bansag na “terorista.”
Magaan ang pagkakalahad ng masalimuot na buhay ng kadreng si Teng sa librong Armando. Simple ngunit di-pangkaraniwan ang pagkukuwento ng kabataan ni Armando – para rito, kinailangan din ang samu’t saring punto de bista at sanggunian. Tila hindi nakakalimot si Reyes sa pagbutingting ng mga detalye – ang kasaysayan ng naghiwalay na magulang, mga barkada ni Manding, maging ang “bisyo” niyang thumbsucking. Ang napakasimple, halos nonchalant na pagtatagpi-tagpi ng buhay at karakter ni Armando Teng ay mahusay at sa kabuua’y epektibo. Madetalye ito pero hindi maborloloy. Sa kabila ng mga kahinaan at kapintasan ni Teng ay laging makikita ng mambabasa kung paano nagniningning ang kanyang karakter.
Ang ganitong simpleng pagtatagni-tagni ng mga salaysay at pangyayari ay unti-unting naghahatid sa mambabasa tungo sa mga paksang mas kumplikado – paano nagsimula ang kanyang pakikisangkot; ang tortyur at pagkakakulong sa panahon ng diktadurang Marcos; ang pagpasok sa sonang gerilya at problema sa kalusugan; ang kanyang pag-ibig at pagtatatag ng rebolusyonaryong pamilya; at ang papel na ginampanan sa pagresolba ng histeryang anti-DPA (deep penetration agent o espiya ng gobyerno na nakapasok sa kilusan) na sumalanta sa rebolusyonaryong kilusan noong Dekada ’80.
Ang huli, na isa sa pinakasensitibong paksa sa Armando, ay isa sa mga naging tuntungan ng matagumpay na Ikalawang Dakilang Kilusang Pagwawasto (IDKP) na inilunsad ng CPP mula noong 1992. Bagamat ang malalang kamaliang ito ay matagal nang kinondena at iwinasto ng CPP, patuloy pa rin itong ginagamit bilang propaganda ng pasistang militar at reaksyunaryong gobyerno laban sa rebolusyon at sa buong rebolusyonaryong kilusan. Ang librong To Suffer Thy Comrades ng isang biktima na si Bobby Garcia ay nakakasangkapan din upang patuloy na magpinta ng negatibong larawan ng kilusan, sa kabila ng IDKP. Sa librong Armando, tumatagos sa karakter ng isang kadre na gaya na nga ni Armando Teng ang mga kasagutan sa ilang akusasyon ng To Suffer. Magiging mas mahusay pa sanang patotoo sa sinseridad ng kilusan sa pagwawasto kung mas malinaw na nailatag sa Armando ang konteksto ng histerya, at kung paano ito sinuri, tinunggali at nilabanan, itinakwil (at/o pinarusahan) ang mga naghasik nito, at nagpaumanhin sa mga biktima (kabilang na si Garcia) para sa malalang kamalian na ito.
Kung tutuusin, magiging mas malinaw din ang paliwanag para sa kilusang pagwawasto -- o sa katuturan ng buong buhay ni Armando Teng mismo -- kung mas malalim o malinaw pang nailatag ang konteksto ng rebolusyon mismo, sa pamamagitan man lamang ng isang introduksyon o epilogo, kung hindi man ito mahusay na mailalangkap sa estilo ng panulat ng talambuhay (lalo na kung sumasagka na ito sa pagiging nutral na tagapagsalaysay ni Reyes).
Halimbawa, ang sakripisyo sa pagtatatag ng rebolusyonaryong pamilya ay isang bagay na mahirap unawain at tanggapin – mahirap itong proseso maging sa mga rebolusyonaryo, at madalas itong dahilan ng panghihina at pagtalikod sa prinsipyo. Paano ipaliliwanag na ang rebolusyon, ay hindi lumalamon sa sarili nitong mga anak, kundi sa ultimo ay para sa kabataan at sa mga susunod na salinlahi? Gayundin, kailangang ipaliwanag ang kontekstong nagsisimula pa lamang o kung baga ay “bata pa” noon ang kilusan, bukod pa sa ginigipit ng kaaway at kulang pa sa rekurso para tugunan kahit ang pinakaminimium na pangangailangan ng pamilya ng isang kadre -- halos masasabing naive pa noon ang kilusan, at gayundin ang batang kadre na si Armando, sa pagharap sa mga usapin hinggil sa pagpapamilya. Sa ganito masisimulan ng mambabasa ang lubusang pag-unawa sa mga sakripisyo (at kahinaan) ni Armando sa pagpapamilya at pagpapahalaga sa relasyon niya sa kanyang asawa na si Ada. Sa ganitong pang-unawa at pagpapahalaga lamang maaaring makihati o makibahagi ang mambabasa sa mga kabiguan ni Armando, at gayundin sa kanyang kasiyahan nang malaman na ang lahat ng kanilang mga anak ay kumikilos na para sa rebolusyon. Dito rin makakahalaw ng aral ang bagong henerasyon ng mga kadre at rebolusyonaryo sa pagtatatag ng proletaryadong pamilya.
Sa isang banda kasi, nagiging pambihira lamang ang paksa ng buhay ni Armando Teng kung ang ginagalawang daigdig ng mambabasa ay daigdig na mahigpit pang kontrolado ng reaksyunaryong estado. Sa mga sonang gerilya sa kanayunan kung saan unti-unting itinatatag ang kapangyarihang pampulitika (gayundin ang rebolusyonaryong kultura) ng mamamayan, ang buhay na gaya ng kay Armando ay tinatahak na ng libu-libo na may makukulay ding karanasan o kasaysayan. Bagamat ang rebolusyon, wika nga’y hindi matutuyuang balon ng materyal para sa ganitong tipo ng panitikan, nagiging pambihira lamang ang regular na paglalathala ng ganitong tipo ng biograpi sa loob ng kilusan mismo sa iba’t ibang dahilan gaya ng badyet, mas kagyat na rebolusyonaryong gawain o mga isyu sa seguridad. Gayunman, hindi pambihira ang mga aktibidad at akda na humahalaw ng aral at inspirasyon mula sa buhay at pakikibaka ng mga “kasama” -- nariyan ang mga talakayang-buhay, mga pulong-parangal para sa mga martir, at napakaraming tula, awit, pahayag at sanaysay na pumapaksa sa mga ito.
Kung kaya, nagiging tunay na signipikante at nakakaantig ang Armando batay sa pananaw na tangan ng mambabasa. Kung rebolusyonaryo na katulad ng kay Teng ang pananaw sa mundo, madaling mauunawaan ang mga konteksto ng pira-pirasong anekdota at kwento na maaaring hindi gaanong napapalalim o nagagagap ni Reyes mismo (na kanya ring ipinagpapaumanhin o inaamin). Ang pananaw ay isa rin na maaari pang napalawig sa Armando, dahil ang buhay ni Armando Teng bilang isang namumunong kadre ay pinanday sa pagwawaksi ng lumang kaisipan at pagsusulong ng bagong makauring pananaw batay sa Marxismo-Leninismo-Maoismo (MLM). Ang pagkakagagap ng mga kilusan sa MLM ang gumabay sa IDKP, sa mismong pagsisimula at patuloy na pagsulong ng rebolusyon.
Nagiging mahusay at epektibo ang akda ni Reyes sapagkat hindi man niya mamalayan o asahan, ang pananaw na mahihinuha o mapupulot ng mambabasa habang binabaybay ang buong aklat ay tiyak na pumapanig sa ipinaglalaban ni Armando Teng. “Huwag ninyong iiwan ang rebolusyon, magtatagumpay tayo,” bilin ng naghihingalong Armando. Sa huli, namatay man siya sa sakit at hindi sa labanan na gaya ng karaniwang mandirigma, si Armando ay isang bayani -- isang huwaran at magiting na rebolusyonaryong lider -- sapagkat pinaglingkuran niya ang sambayanan hanggang sa kanyang huling hininga.
mula sa rebyuhan.blogspot.com
Todo na to! People's War go go go!
THE COMMUNIST Party of the Philippines (CPP) has ordered its armed force, the New People’s Army (NPA), to replicate the rebel raid in Bukidnon province on Tuesday and “seize as many weapons as possible from the enemy.”
The raid, on a militia base in Sitio (sub-village) Buko, Banlag village in Valencia City, netted the rebels 29 rifles and left one soldier dead and another wounded.
“We need to seize more and more weapons to arm the growing number of people volunteering to join the NPA,” CPP spokesman Gregorio Rosal said.
“More vigorously carry out attacks against the Arroyo regime’s reign of terror, intensify the armed revolution, and bring people’s war to a new and higher level,” Rosal added.
Congratulating the rebel unit that pulled off the raid, Rosal said that “by seizing more weapons from the enemy, the people’s army is able to arm its growing ranks, strengthen itself, and further steel the people’s determination to carry forward the armed revolution.”
Nonoy EspinaA tragedy: Anti-GMA intellectuals fall prey to GMA's communist bogey
One of the Arroyo government's motives in its ongoing attacks on the legitimacy of the Left (as displayed by resurgent redbaiting, the political slays and the trumped up charges against activist leaders) has become clear. Not only is it an attempt to brutally disenfranchise the Left from politics, but also a smokescreen, a diversion, so that the people, especially those seeking the illegitimate leader's ouster would have their attention divided.
Look at how it has affected some conservatives in the broad anti-Arroyo movement. They did not raise even a whimper over the (continuing) spate of killings of activists, and worse they parotted the same mindless anti-communist trash being spread by the likes of Norberto Gonzales and Romeo Intengan. These burgis intellectuals better control and hopefully overcome their biases against the Left so that next time GMA raises the Red bogey, they would not fall to the trap and refuse to be GMA's fascist echoes.
In the name of civil liberties and human rights, all Filipinos should denounce each and every politically-motivated murder, massacre, abduction or any other attack on anyone or any group perceived by Mrs. Arroyo as her enemy. We should assert everyone's right to be considered innocent until proven guilty, to be free from illegal and warrantless arrests, to be free from political persecution. We may disagree on how we view the problems besetting the nation and the long term solutions we pursue, but that should not hinder us from uniting to assert the most fundamental liberties every citizen should enjoy.
For indeed, the Left is not the enemy. The real enemy, at this time, is this usurper Gloria Macapagal Arroyo.
Hindi maikakaila ang popularidad ni Manuel L. Quezon III (MLQ3) sa "blogosphere" at sa mga talakayang pulitikal sa internet. At, oo, maging sa hanay ng mga aktibista ay maraming mga tumatangkilik sa kanyang blog sa iba't ibang mga dahilan. Tinaguriang pa ngang "favorite bourgeois blogger" ng isang prominente ding batang lider ang historian bilang pakutyang tugon sa kanyang pagtukoy bilang "favorite communist blogger" sa isang aktibistang manunulat.
Kaya naman hindi iilan ang nadismaya sa kanyang entry na What we've learned: the National Democrats, na may link sa artikulo niyang Why most Filipinos don't care that Leftists are being killed. Hindi naman dahil sa dati siyang malapit sa mga aktibista o malapit ang paninindigan at pagsusuri niya sa lipunan, kundi, marahil, para sa ilan, ipinakita ng arikulo ang matinding bias ni Quezon laban sa Kaliwa, na dati rati'y hindi ganoon katatas na isinasatitik o hindi pa malaganap na nababasa.
(Dati nang iwinasto ni Quezon ang kanyang pagtatangi sa mga aktibista bilang "komunista" bilang tugon sa komento ni Mong na ito ay maglalagay sa pahamak sa mga aktibista lalo na sa panahon ng matinding represyong pulitikal. Mula noon ay "National Democrats" na ang piniling kataga ni Quezon para tukuyin ang mga aktibista - isa pang dahilan para sa pagkagulat ng ilan sa pagtatanggal ng kanyang "liberal" na postura at lantad na pagtutukoy ni Quezon sa mga "komunista" sa kanyang artikulo.)
Sinong hindi nababahala?
Hindi naman talaga lantarang anti-kaliwa ang mga katagang isinatitik ni Quezon sa kanyang akda. Gaya ng isang "iskolar" o "obhetibong" kolumnista, sinikap na matamisan na parang kendi ang kontra-pulang akda. Pero hindi nito kinayang pagtakpan ang mapait na kaibuturan ng mensahe.
Sa artikulong Why most Filipinos don't care that Leftists are being killed, magsisimula si Quezon sa paglalahad na maraming pinapatay na Komunista at mga manunulat sa Pilipinas at, oo, may "ilang mga taong" nababahala sa pamamaslang na tumatarget hindi sa mga rebeldeng may armas kundi sa mga pumipiling makipagbuno sa ligal na pulitikal na pamamaraan.
Pero sa umpisa pa lamang, makikita na marahil isa nga sa mga hindi nababahala ay si Quezon. Nakalimutan niya, marahil sa sobrang pagdidildil sa pag-aaral ng kasaysayan, na hindi lang naman ngayon pinapatay ang mga nasa ligal at lehitimong pakikibaka, matagal ng target ng mga asasinasyon, noong pa mang panahon ni Cory, ang mga aktibista.
Ang kapansin-pansin sa kasalukuyan ay ang walang kapantay na dami at dalas, at pagiging garapal ng mga kaso. Nakalimutan niyang idiin, sa pagmamadaling ibungad ang kanyang anti-komunistang damdamin, na aabot sa kagilagilalas na bilang ang extra judicial killing na lapas 600 simula 2001 at lagpas 300 dito ay mga lider pampulitika.
Para matuto, magtanong ng tama
Ang tanong ni Quezon: bakit hindi nababahala ang karamihan?
Hindi mawari kung saan nakuha ni Quezon ang kanyang tesis (isang sikreto marahil ng mga kolumnista, na gawing "patanong" na para bang given fact ang sa totoo'y kanilang mga puntong gustong sabihin at patunayan) na hindi nababahala ang karamihan ng mamamayan sa pagpaslang. Samantalang sa pagdampot lamang ng kanyang "paboritong pahayagan" na Philippine Daily Inquirer, makikita na ang malawak na interes na inilalaan sa usapin. Ilang araw sa isang linggo, ang tutok ng balita ay ang mga kaso ng pamamaslang. At dahil dito'y napilitan na ngang maghabi ng sari-saring kwento ang pamahalaan para lamang mapagtakpan ang pananagutan nito sa usapin.
Si Amado Doronilla, isang kolumnista sa parehong dyaryro, kaiba kay Quezon (na kolumnista din sa PDI), ay naghahayag na ang usapin ay maaaring umabot na sa puntong kasinghalaga ito ng Garci controversy. At hindi rin katulad ni Quezon, ibinubunton nito ang turol sa pangarap ng rehimeng magpaka-diktador. Ang usapin din ay bibitbitin na bilang isang mayor na usapin sa kaso ng impeachment na ihahapag ng minorya sa kongreso sa Hulyo, gayundin, hindi maikakaila ang malakas na suportang internasyunal sa paglaban sa pamamaslang.
Ang ating natutunan sa mataas na paaralan, upang matuto, kailangan matutong magtanong. Pero upang matuto ng tama, kailangang tanungin ang tamang mga tanong.
Hindi ba't ang dapat tanugin ay kung bakit umaabot sa ganitong desperasyon ang gubyerno? Kung bakit may patakaran ng pagpaslang sa mga di-armado? Kung bakit napakaraming namamatay sa isang lipunang tinuturingang "malaya" at "demokratiko"? Kung bakit tila mga asong ulol at mga bampirang uhaw sa dugo ng mga kalaban nito sa pulitika (komunista man o hindi, matatandaan ang kaso ng Erap 5) ang rehimeng Arroyo?
Ang mga natutunan (mula kay Palparan)
Matapos ang pagtatanong, ang paglalahad ng kanyang "mga natutunan": sa simpleng pagsusuma, ang dahilan ni Quezon kung bakit wala siyang (o ang karamihan, kung ating pagkakatiwalaan ang kanyang pagtaya) nadaramang matinding pagkabahala, ay dahil sa, sa kanyang mga kataga, "ang mga nabubuhay sa patalim, namamatay sa patalim," kasabay ng pagsasabing ang mga "Komunistang" ligal, na nagsasagawa ng mga teach-in sa skwela ay pareho rin ang pinag-aaralan sa mga tagabundok. Na maraming sinalanta ang pag-"purga" ng mga Komunista, na marami ng "pinagdusahan" ang mga Pilipino sa mga Komunista.
Kulang na lamang ay sabihing ang lahat ng mga aktibista -- rebeldang nasa bundok, mangaggawa, magsasaka, estudyante, guro, pari, abugado, mamamahayag, halal na kongresista, konsehal, mayor --- ay mga halimaw at mga salot: mga "aral" na maaaring mapulot sa magdamag na pakikinig sa radio program ni Jovito Palparan at kanyang mga berdugong nakamotor at naka-hood.
Tama ang sinabi ng isang kaibigang kolumnistang si Teo Marasigan, sa kanyang paglalarawan sa mga ang mga anti-Kaliwa:
"Para sa mga taong ito, ang mga komunista ay hindi pwedeng umiral sa lipunang demokratiko at hindi rin pwedeng gumamit ng mga umiiral na batas. Una sa kanila ang pagiging anti-komunista, hindi ang pagiging taguyod ng demokrasya o batas. Katulad ng mga relihiyosong papatay ng mga hindi naniniwala sa Diyos, matatanggap lamang nila ang pagpapahayag kung hindi nito hahamunin ang itinakda nilang hangganan nito. Kahit pa ang ipinaglalaban ng isang grupo ay kalubusan ng demokrasya at ng diwa ng batas."
Pero sa artikulo niyang ito, hindi si Quezon ang kanyang tinutukoy kung hindi si National Security Adviser Norberto Gonzales. Habang may mga panahong tinutunggali ni Quezon si Gonzales, marahil sa usaping ito, nasa iisang panig sila.
Mga aral sa pakikipagkaisa
Sa kanyang blog entry din, isa sa mga isinisisi niya sa kawalan ng malawak na pagkakaisa laban kay Arroyo ang aniya'y pagiging "sobrang agresibo" ng Kaliwa. Hindi natin malaman kung anong "miting" ang naupuan ni Quezon, pero makikita sa mga kaganapan noong nakaraang taon ang pagsisikap ng kaliwa na umabot sa pinakamaraming grupo para sa kampanyang pagpapatalsik.
Kung tutuusin, nawiwili na nga ang mga aktibista sa pagrarali sa mga "ligtas" o "hindi komprontasyunal" na mga pinagdarausan ng protesta gaya ng EDSA, Ayala, Liwasang Bonifacio at Plaza Miranda simula noong Hunyo na pinansin din ni Doronilla na unti-unti nang ibinabalik sa tarangkahan ng Mendiola ngayong Mayo Uno. Matapos ang ilang malalakihang mga "street party," aniya, ang tradisyong ito ng kaliwa ng militanteng paglaban, higit sa lahat, ang nagbibigay ng pangamba sa rehimen.
Hindi maunawaan ang konklusyong ito, kasabay ng pagbanggit na ang pamamaslang sa mga aktibista, sa pakiwari ni Quezon ay nagpapaluwag sa pagkakasundo ng iba't ibang mga grupo. Una, wala namang nakikitang signipikanteng pagkakaisa ng iba't ibang mga grupo sa kasalukuyan, kung mayroon man, kailangang tanungin kung ang mga pagkakasundo ay may pinatutunguhan, at pangalawa, kailangang ikwento kay Quezon na ang pangunahing kumilos para sa pangunguna sa "malawak na mga pagkakaisa" sa maraming pagkakataon ay ang kaliwa din. Sa tuntungan ito ng simpleng katotohanan na ang pinakamalaki sa mga nakakapagpakilos sa lansangan sa mga sustinido, mulat at organisadong kilusang masa ay ang kaliwa din naman.
Sa pag-aatubiling birahin ang kaliwa, nakalimutan ni Quezon na tanungin at suriin ang dahilan kung bakit nga ba ginagawa ito bilang pambansang patakaran ng rehimen. Hindi lamang dahil "natural" na lamang na patayin ang mga aktibista dahil "salot" sila, hindi rin dahil sa nasa "pagrurok ngayon ng siklo ng pamamaslang" gaya ng sinasabi ni DOJ Sec. Gonzalez. Hindi rin dahil sa (ayon kay Quezon) wala ng signipikanteng paglakas ang kaliwa at ang tanging nalalabing gawin ay patayin ang mga kasalukuyang natitira. Matagal ng sinasabing tatapusin ang kaliwa pero hindi naman kailanman nagtagumpay ang gubyerno. Kundi, pangunahin, dahil ngatog ang tuhod sa pangamba ang rehimeng Arroyo na sa pangunguna ng kaliwa sa malakas na kilusang masa ay mapatalsik ito. Kaya para dito, isa sa mga huling baraha na sa tingin niya ay tatapos sa gulugod ng kilusang protesta laban sa kanya ang pagdurog sa kaliwa.
Tiyak na wala ring panahong magbunyi si Quezon kung ipagpapalagay na mapaatras o malipol ni Arroyo ang kaliwa sapagkat oras na ito ay mangyari, parang maning pupulutanin ni Arroyo ang mga "panggitna" kagaya nilang walang sinasandigang kilusang masa, sila ang siguradong isusunod ng ilusyunodang reynang nagmamala-diktador. Walang susuksukan silang nasa "gitna" kundi ang pagkompromiso sa rehimen o paglaho sa mukha ng pulitika. Patunay niyan ang walang pagsantong pagtortyur sa mga tagasuporta ni Estrada, at sustinidong pagbira kina Cory at sa iba pang oposisyon sa iba't iba pang pamamaraan. Kaya naman walang dahilan si Quezon at ang mga kagaya niyang "panggitna" na hindi mabahala.
Sa huli, kumabig ang kolumnista at itinuon ang atensyon sa trahedya ng Wowowee, sa pagnanais magdiin sa mensaheng: ang ating desperasyon din ang pumapatay sa ating mga kapwa at sarili. Sa kaso ngayon ni Quezon, hindi desperasyon kundi ang kanyang anti-kaliwa at peti-burgis na mga bias at nosyon ang naglalagay ng dugo sa kanyang mga kamay sa walang pakundangang mga pagpaslang sa progresibong hanay. ###
Para kay Manolo
Manolo, pasensya na kung sasabihin mong antagonistic itong comment ko. Humihingi na rin ako ng paumanhin sa iba pang may pakialam. Hindi po away ang hangad natin. Sumasagot lang.
Manolo, I thought you are Left-leaning. Hindi pala. Akbayan-leaning lang pala gaya ng sinabi mo (reference). Kaya pala lagi mong binabanggit na Komunista itong mga pinapatay ng Gobyerno. Parang wala ka ng pinag-iba sa Gobyerno mismo na laging sinasabing "communist fronts" itong mga organisasyong kinabibilangan ng mga pinapatay na taong sinasabi mo sa baba.
"Communists are being killed in the Philippines: That’s nothing new. The state has been killing them for nearly sixty years. What’s new is that the Communists being killed aren’t necessarily those waging revolutionary war in the hills; they are those who, officially, at least, prefer to establish Socialism with Philippine characteristics through non-revolutionary, ordinary, political methods." (reference).
Manolo, kailan ka ba matututo? Saan mo ba napulot ang ideyang mga komunista itong biktima ng political killings? Sa Gobyerno ba?
At hindi mo ba naiisip na habang sinasabi mo na "As political liquidations necessarily are, some of those who died were killed not because they were really, truly Communists or a danger to the state, but because someone, somewhere, labeled them Communists..." ay parang sinisigaw mo na rin na "Sige, patayin ninyo yang mga salot na iyan!"? Sinu-sino ba itong nila-label mo na "Communist engaged in “teach-ins” in Philippine schools", "Communists in the field, working in political parties or other legally-accepted movements", at "Communists ... who, officially, at least, prefer to establish Socialism with Philippine characteristics through non-revolutionary, ordinary, political methods"?
Manolo, ang isyu dito ay pinapatay ang mga indibidwal na pilit binabansagan ng Gobyerno na mga "komunista", mapalider-masa, aktibista, o ordinaryong mamamayan man sila. Pinapatay sila ng mga armadong pwersa ng Pamahalaan sa akusasyong sumisimpatya sila sa mga rebelde. Walang batas na sinusunod dito. Kailanman ay hindi nagiging tama sa mata ng batas ang pagpatay sa taong hindi pa nahahatulan ng korte na may kasalanan. Lalo na ngayong aalisin na ang Death Penalty.
Kaya dapat itigil na itong pagbansag na "communist fronts" sa mga legal na organisasyong nakikibaka para malinis itong Gobyerno at itong bansa natin at makausad na tayo tungo sa tunay na kaunlaran. At hindi lang ito pinapanawagan sa Gobyerno at kay Ginang Arroyo kundi pati na rin sa iyo, Manolo, at sa iba pang tulad mo na nagsasabing naghahangad din ng tunay na pagbabago sa ating lipunan. Hangga't hindi binabawi ng Gobyerno ang bansag na ito, hindi matatapos ang political killings at patuloy na dadami ang paglabag sa karapatang pantao dito sa bansa natin.
Kung sinasabi mong walang pakialam ang karamihan sa mga Pilipino, nagkakamali ka. Iilan lang naman ang walang pakialam. Iilan lang naman ang hindi naghihirap sa kasalukuyang kalagayan ng lipunang Pilipino. Ang karamihan ng Pilipino ay naghihirap sa buhay at halos wala ng oras para magpakita ng kanilang pakikialam pero nasa puso nila ang hirap ng mga lider at aktibistang nakikibaka para sa bayan. Ang karamihan ng Pilipino ay nasa kanayunan at patuloy na tinatakot ng mga armadong pwersa ng Gobyerno. Hindi lang nakikita ng dalawa mong mata na may pakialam sila. May pakialam sila dahil buhay din nila ang pinag-uusapan dito.
Wala lang silang panahon at kapasidad para magpost ng magpost sa blogs tulad ng ginagawa natin.
Pero tama ka sa huli, Manolo, na our "society is so mired in the fight for survival". Hindi ba't ang matindi nating pagkapit sa ating kasalukuyang maginhawang buhay, kung ikumpara sa mapait na buhay ng nakararaming Pilipino, ay isang paraan ng "fight for survival"?
Ang sarap magsilbi sa bayan
New People's Army members are warmly welcomed and loved by the people who saw and felt that the NPA is the real soldier and protector of the people. The NPA serve the oppressed and exploited Filipino people, especially the peasants, by guiding them towards the right path to economic liberation. In return, the Filipino people is motivated to do all it can in order to achieve their democratic aspirations.
The Armed Forces of the Philippines, on the other hand, is doing the opposite. Under the command of the oppressors and exploiters, the big landlords and comprador bourgeoisie, the AFP is harassing the oppressed people who fight for their rights and freedom. The AFP, as a whole, serve the oppressors and the exploiters that is why the Filipino people hate them. This anti-people nature of the AFP is one reason why many AFP soldiers, who, in the first place, come from the oppressed and exploited classes, become disillusioned and ultimately side with the Filipino people in the battle against the oppressive and exploitative classes.
today
November 2007
October 2007
May 2007
April 2007
October 2006
August 2006
June 2006
May 2006
April 2006